Your mindset plays a huge part in how you view yourself and the world. With thousands of thoughts floating around in your head every day, you essentially talk to yourself more than anybody else.

The mind houses our emotions, judgments, worries, and secrets, and many of us don’t even realize that our own thoughts can be holding us back from reaching our full potential.

Because the mind is such a powerful place, it’s important to constantly grow and adapt your ways of thinking. You have to continuously work on shifting your mindset to embrace new perspectives if you want to become a more positive and accepting person.

In this blogpost, I’m sharing some ways that I’ve adapted and shifted my mindset over the years to improve my life in a positive way. Keep in mind that I am no master of these things. There are times when I do none of the following and wallow in self-pity, but I can usually pick myself up from a bad situation and turn it around with the help of these mindset shifts.

Want to watch the Video? Watch it NOW Here:

https://inspiretv.co/mindset-shifts-that-will-improve-your-life/?unid=1548172809

Image result for Mindset Shifts That Will Improve Your Life

Isipin mo ang isang treasure chest na puno ng ginto’t dyamante at nakakandado ito gamit ang isang combination lock. Kailangan mong hanapin ang tamang kombinasyon ng mga numero, mga bagay na kailangan mong gawin, upang makuha ang kayamanan sa loob. Katulad lang noon ang pagsisikap para sa tagumpay.

Ang buhay ay punong puno ng kayamanan o treasure chests na tinatawag nating mga oportunidad para magtagumpay sa buhay. Kailangan mong piliin ang tamang kahon at saka mo pagsikapang alamin ang code na kailangan para makamit ang kayamanan. Sa pagsisikap umasenso at magtagumpay sa buhay, narito ang sampung bagay na nararapat mong alalahanin upang makamit mo ang iyong mga pangarap.

Mga Bagay na Kailangan Mo Para Magtagumpay

Image result for treasure chest

  • Goals o Layunin/Pangarap

Una sa lahat, kailangan mo ng goal o pangarap na gusto mong makamit. Kung wala kang natatanging layunin, magiging katulad ka ng isang barkong nawawala sa dagat, sumasabay lang sa mga alon hanggang ikaw ay lumubog.

Kung wala kang pangarap, malamang matutulad ka sa karamihan na nagtratrabaho lang para makakain at mabuhay. Tulad ng mga nalulunod, nagaaksaya sila ng lakas para lang lumutang, hindi nalalaman na kapag naifocus nila ang lakas nila sa isang direksyon, makakarating sila sa napakalapit na tabing-dagat na naglalaman ng kayamanan o treasure chest.

  • Wisdom o Karunungan

Kung gusto mong magtayo ng isang mansion ng mag-isa, kailangan mong matutunang magdisenyo ng bahay, maghalo ng konkreto, maglapag ng hollowblocks, mag-ukit ng kahot, magayos ng bakal, at marami pang iba. Kapag ayaw mong pag-aralan lahat ng iyon, bayaran mo ang isang construction company para magtayo ng mansion para sa iyo. Ang problema mo lang, kailangan alam mo kung paano kumita ng maraming pera upang mabayaran sila. Kung hindi mo alam kung paano gawin ang mga iyon, malabo na makakapagtayo ka ng matibay at matatag na bahay. Ang prinsipyong ito ay pwede mong gamitin sa iba pang bagay. Para makamit mo ang pangarap mo, kailangan mong ALAMIN o PAG-ARALAN ang mga kailangan mong gawin para pagsikapan sila.

bicycling desert people

  • Confidence o Lakas ng Loob

Naalala ko ang sinabi ng isang sundalo na kilala ko noon na ang nag-iisip ng pagkatalo ay matatalo. Ang pag-asam niya sa pagkatalo ay mararamdaman ng kanyang hukbo, pinapahina ang loob nito sa simula pa lang, at nagiging imposible para sa mga tauhan na gawin ang lahat ng kanilang makakaya. Kung inisip mong hindi mo kayang manalo, hindi ka mag-eensayo ng todo at hindi ka rin maglalaro ng seryoso. Kung hindi mo ibinigay ang buo mong lakas, malamang tatalunin ka palagi ng ibang taong nagbibigay ng lahat ng kanilang makakaya dahil iniisip nila na kaya nilang manalo. Sila ang palaging magtatagumpay habang ikaw ay mananatili sa pinakamababang rango kung saan nasa isip mo ay nararapat kang manatili.

  • Action o Pagsisikap

Pwede mong alamin kung paano magsolve ng equations, pwede mong pag-aralan ang iba’t ibang engineering principles, at pwede mong pag-aralan ang pagnenegosyo, pero kapag hindi ka nagsikap para gamitin ang mga nalalaman mo, edi wala ring kwenta ang lahat ng natutunan mo.

Hindi ka sinusuweldohan ng mundo dahil sa kaalaman mo, ikaw ay kumikita mula sa gawain mo. Ang tao na gumagawa at nagbebenta ng ordinaryong upuan ay kumikita. Ang tao na natutunang gawin ang “pinakamagandang upuan sa mundo” ngunit wala namang ginagawa ay hindi siya kumikita.

  • Perseverance o Pagtitiyaga

Naaalala mo pa ba ang mga unang beses mong sinubukang magluto? Malamang nasunog mo ang pagkain, o hilaw pa pala ito, o naglagay ka ng masyadong maraming asin, o hindi sapat ang seasoning. Paano naman ang mga una mong pagsubok sumakay ng bisikleta o skateboard? Malamang napatid o nahulog ka pero hindi ka pa rin tumigil.

Hindi natin maiiwasan ang pagkabigo. Mapapatid tayo, mapapagod, at papalya. Hindi natin iyon maiiwasan. Ganoon pa man, kapag may isang bagay na nararapat nating gawin, edi ayos lang kung hindi tayo mahusay dito sa simula. Kailangan lang nating magpatuloy hanggang gumaling tayo, at magpatuloy hanggang tayo ay maging dalubhasa dito. Kapag alam mong tama ang iyong pinupuntahan, malamang mararating mo ang pangarap mong marating. Kailangan mo lang magpatuloy sa paglalakad at huwag kang susuko.

  • Create Value o Gumawa ka ng Mabuti

Bakit nga ba ang ibang tao ay yumayaman at nagtatagumpay? Maraming rason para dito at isa na ito doon. Pagmasdan mo ang lahat ng mga kagamitang mayroon ka at mga serbisyong ginagamit mo. Ang iyong computer, ang software na ginagamit mo para buksan ito, at marami pang iba. Magkano sa tingin mo ang kinikita ng mga taong gumawa nito dahil sa paglikha nila ng mga mabubuting produkto na ginagamit ng mga taong katulad natin?

Binabayaran mo ang bus dahil kailangan mong makarating sa isang lugar ng mabilisan. Bumibili ka ng tickets sa sinehan dahil nalilibang ka sa mga palabas. Binabayaran mo ang doktor o pharmacist dahil gusto mong gumaling sa sakit. Ano nga pala ang ginagawa mo sa iyong opisina? Malamang sumusuweldo ka dahil sa trabahong ginagawa mo para sa kumpanya. Gumawa o lumikha ka ng mga bagay na gusto o kailangan ng iba at gagantimpalaan ka nila ng pera o kabutihan. Kakailanganin mo ang mga iyon para makamit ang iyong mga layunin at pangarap.

crossroads signs mountain lost found searching

  • Pag-isipan mo ang Kinabukasan

Alam mo ba kung ano ang pagkakatulad ng paggawa ng layunin (goals), paggawa ng produktibong bagay, at mabuting paggamit ng oras at pera (pagiipon at pag-invest)? Sila ay madalas ginagawa para makakuha tayo ng mabubuting bagay o resulta SA DADATING NA PANAHON.

Isipin mo na lang ang mga tao na hindi pinag-iisipan ang kalalabasan ng kanilang mga gawain. Sila ang mga nag-uubos ng pera sa pagsusugal at umaasang manalo pero hindi naman nangyayari, nababaon sila sa utang dahil gusto nilang bumili ng mga luho o gadgets NGAYON (at nakakalimutan nilang kailangan nilang bayaran ang mga utang), at sila rin madalas ang mga nandaraya o nagnanakaw dahil “hindi nila naisip” na mahuhuli sila balang araw.

  • Mabuting Paghawak ng Pera

Ano ang mangyayari sa iyo kapag sinayang mo ang lahat ng perang mayroon ka sa walang kwentang bagay, tulad ng pagsusugal at pagkalugi sa casino o mabaon sa utang? Mamumulubi ka at mawawalan ka ng bahay. Kahit may umaasenso pa rin sa kabila ng masamang kalagayan, mas mahirap umasenso at magtagumpay kapag natutulog ka sa lansangan at namamatay ka sa dysentery kumpara sa kapag may maayos kang pinagkakakitaan at may ilang milyon ka sa bangko na handang gamitin sa mabubuting negosyo o investment.

Kailangan mong matutunang ang mabuting paghawak ng pera. Ito ay napakahalagang bagay na kakailanganin mong gamitin para makamit ang tagumpay.

  • Discontentment o Kayamutan sa Kasalukuyang Kalagayan

Sabi nga, kahibangan ang paulit-ulit ng isang bagay at umasa na may ibang resultang mangyayari. Paulit ulit ka ba sa mga trabaho o “pagsisikap” na ginagawa mo at umaasa ka bang bigla ka na lang “magtatagumpay”? Kung paulit-ulit ka sa gawain mo habang hindi mo naman ito pinapabuti, hanggang ganyan na lang ang perang kikitain mo. Walang masama sa pagiging kontento, pero kailangan mong alalahanin na kapag ang mga bagay ay hindi na lumalaki o umaasenso, sila ay unti unti nang namamatay. Sabi nga, “If you don’t keep getting better, you’ll stop being good.” Kung tumigil ka sa pagpapabuti sa iyong sarili, hindi ka na magiging magaling sa iyong gawain.

Huwag kang maging kontento sa ano mang mayroon ka ngayon. Magsikap ka at mangarap ka ng mas mataas kaysa dito.

thinking book holding

  • Integrity o Katapatan/Integridad

Mahaba at napakahirap ng daan patungo sa tagumpay, at madalas ito’y nangangailangan ng ilang dekada ng walang katapusang pagpupunyagi. Dahil doon, napakaraming tao ang naghahanap ng “shortcuts” sa pamamagitan ng pagsisinungaling, pandaraya, o pagnanakaw ng mga bagay na pinagsikapan ng iba. Iyon ang isang dahilan kung bakit marami ang nakukulong… o namamatay. Huwag mong gagawin iyon. Magsikap ka ng maayos, gumawa ka ng mabuti, at tumulong ka sa iba habang ikaw ay nagpupnyagi patungo sa iyong pangarap. Ang mahaba at mahirap na paglalakabay patungo sa tagumpay ay mas mabuti kaysa sa mabilisang landas patungo sa kapahamakan.

Habang ang listahang ito ay naglalaman ng ilan sa pinakamahalagang payo, hindi pa ito kumpleto. Napakarami pang ibang kailangang matutunan, at marami doon ay bukod tangi para sa iyo at sa kasalukuyang kalagayan mo. Malamang kakailanganin mo silang tuklasin mag isa, o kakailanganin mo ang tulong ng mga guro na maggagabay sa iyo at sa iyong pagsisikap.

Kung may mga natutunan ka na, ikwento mo lang sa comments section sa ibaba! Malamang makakatulong ka sa iba na nagsisimula pa lamang!

Want to watch the Video? Watch it NOW Here:

https://inspiretv.co/mindset-shifts-that-will-improve-your-life/?unid=1548172809

Take Note: Please Watch The  Video Trainings Before You Enroll: http://bit.ly/__FREEVideoTraining__

Add Me On Fb: https://www.facebook.com/roman.c.sindol

Like my Fb Fan Page: https://www.facebook.com/roman1377/

Follow Me On My WordPress.com: https://romansindol.wordpress.com/

Thanks for reading & watching,please like and share.

Published by Roman Sindol Jr. III

Hello, ako si Roman C. Sindol Jr. III. Isa sa mga goal ko ay maging MILLIONAIRE! February 2019 ng magsimula ako sa goal ko para maging millionaire and gusto ko din i-share sa inyo kung ano mga matututunan ko along the way and ang mga hows and why kung bakit ko ito gagawin. I literally started from 215 riyals (about 2k pesos) sa bank ko kase i invest almost all my money sa iba’t ibang investments pero from 215 riyals na un, I will create a large amount of money para maging millionaire gamit lamang ang laptop/smartphone at internet connection. Ayokong ako lang ang makakaexperience sa journey ko ng success, gusto ko din ung mga readers nitong blog ko ay mabless din at maging successful din ang buhay 🙂 – Roman C. Sindol Jr. III Online Affiliated Business Marketer

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: