DUMAAN NA BA KAYO SA PANAHON NA PARANG AYAW NIYO NANG GUMAGALAW?PARANG  ” AYAW KO NA PAGOD NA AKO ” NARANASAN NIYO NA YUN?……..

Want to watch the Video? Watch it NOW Here:

https://inspiretv.co/when-you-are-about-to-give-up/?unid=1548172809

PAANO MO HAHARAPIN ANG PROBLEMA?

12 February 2019

Sa mundong ito,lahat tayo dumadaan sa mga pagsubok at problema.Isa ito sa mga sangkap na nagpapasarap at nagbibigay-kulay sa ating buhay.Mula pagkabata hanggang sa mga oras na ito,may mga problema na tayong hinarap,hinaharap at haharapin pa.Problema sa relasyon sa pamilya,anak o asawa.Problema sa finacial.Problema sa kaibigan,trabaho o pag-aaral.Lahat yan darating sa atin.Minsan magaan,minsan mabigat.Minsan parang kaya mo.Minsan naman parang gusto mo nang sumuko.

May narinig akong kasabihan dati : ” Huwag mong problemahin ang problema.Hayaan mong ang problema ang mamroblema sa sarili niya. ” Sa unang pagkakarinig ko dito parang gusto kong sumang-ayon.Pero naisip ko,tinuturuan tayong maging duwag ng kasabihan na ito.Tila ang mensahe sa atin ay huwag harapin,at talikuran na lamang ang problema.Ang katotohanan,hindi natin maiiwasan ang problema.Pwede mo itong hindi isipin,pero hindi pwdeng hindi mo ito haharapin.

Hindi ko kayo gustong takutin.Ang layunin ng blogpost na ito ay bigyan ang bawat isa ng pag-asa na kailangan sa isang labanan – Ikaw VS Problema.Handa ka na ba? Ready. Set. Fight!

Sa isang labanan,mahalaga na kilala natin ang ating kalaban.Pinag-aaralan dapat ang bawat detalye tungkol sa ating katunggali upang malaman natin ang gagawing hakbang upang mawagi.

LAHAT NG PROBLEMA MAY SOLUSYON

Image result for Math problem with teacher

Lagi nating ilagay sa ating isipan na bawat problema ay may solusyon.Ang solusyon ay magsisimula sa gagawin nating desisyon.Ang gagawin nating desisyon ang susukat sa pagkatalo o pagkapanalo natin sa ating ginawang solusyon sa problema.Sa MATHEMATICS,ang solusyon sa Math problems ay malalaman natin base sa itinuro sa atin ng teacher,pero hindi natin masasagot nang tama ang problem kung hindi natin ia-apply ang ating natutunan mula sa kanya.Sa ating buhay,ang teacher natin ay ang ating mga karanasan…..mga pangyayaring maganda o pangit na nakakaapekto at nakapagbibigay leksyon sa ating mga sarili.

Noong nasa third year ako sa high school,naisipan kong mag-summer class para makasabay ako sa mga classmate ko sa graduation (NEW LUCENA NATIONAL HIGH SCHOOL).Irregular kase ako dati,dahil shifter ako at transferee mula sa ibang school ( From Sacred Heart Academy to Leganes National High School to New Lucena tatlong school bago nakapag graduate ng high school hehehe).Isa sa mga subjects na napagpasiyahan kong i-advance ay ang Physics,kaso nung malapit na ang finals,nagdelikado ako.Mahirap naman talaga kase ang subject na yun o sadyang mahina lang ang ulo ko. (Bahala na kayong humusga…Hehehe) At dahil mabait ang teacher ko,binigyan niya ako at ang iba pang mga tagilid ang grades (halos lahat kami sa klase,tatlo lang yata ang hindi kumuha ng special exam).Gusto ko na sanang matuwa sa kanya pero nang makita ko ang problems sa test paper,bumalik lahat ng asar at inis ko sa kanya.Pwede naman daw magpaturo kahit kanino at pwdeng gumamit ng kahit anong libro para masagutan ang exam niyang nalalayon na bigyan kami ng flat 5.0 sa classcard.

May isang problem dun na hindi ko naisagot tungkol sa Newtons law of acceleration.Nanghula lang ako ng sagot dun sa problem kaya naman tama kayo na mali ang hula ko.Sa sobrang asar ko dahil mukhang imposibleng masagutan ang problem sinubukan kong tanungin ang teacher ko kung paano i-solve yun.Nagulat ako dahil ginamitan niya ng equation na pang – Algebra.Tapos nagtaka ako at napaisip,hindi naman ganun ang tinuro niya.Wala naman siyang tinuro na i-solve yun gamit ang algebra.Pero napaisip din ako na dapat alam kong i-apply ang mga natutunan ko sa Algebra nung second year ako sa ganitong klaseng math problems.

Minsan ganito tayo humarap sa problema,parang pagharap ko sa math problems.Gusto natin lahat isusubo na lang.Ayaw na natin mag-isip ng mabuti.Kinakalimutan natin ang mga natutunan natin dati,kaya naman kapag kailangan natin ito,hindi natin magamit.Tapos na kasi ang Algebra kaya kinakalimutan ko na ang tungkol dun,hindi ko alam na pwde din pala gamitin itong solusyon sa physics na subject.Yun ang pagkakamali ko kaya hindi ko nabigyan ng solusyon ang problema sa exam ko.

ANG PROBLEMA AY OPORTUNIDAD PARA MATUTO

Image result for TODAY LESSON:

Magkakaiba tayo ng problemang hinaharap pero iisa ang nakukuha natin dito….ang PAGKATUTO.Kapag nalampasan natin ang isang bagay,mayroon tayong natutunan mula dito,kaya naman dapat bukas lagi ang ating puso at isipan sa mga aral na ating matutunan pagkatapos ng problema.Dapat teachable tayo.Pero ano ang pagiging teachable?Sabi ng isang malupit na author na si John Maxwell; “Teachability comes when we take something that we learn and apply it.”Sa bawat pagkakamali natin,sa bawat pagsubok na kakaharapin natin mahalaga na nakukuha natin ang aral mula dito at isinasapamuhay.Ang kaalaman na hindi isinapamuhay ay hindi matatawag na kaalaman.Huwag natin isipin na ang problema ay isang halimaw na nakakatakot bagkus tingnan natin siya bilang isang mabangis na hayop nakapagdaragdag tapang sa atin…..isang tigre o lion.Bakit sa zoo yung mga tagapag-alaga ng mababangis na hayop kaya nilang pasunurin at utusan ang tigre at lion?Ibig lang sabihin na kapag matutunan mo na silang kontrolin at napag-aralan ang kanilang katangian,mawawala sa iyo ang takot at sila na ang susunod sa lahat ng sasabihin mo.Kaya kapag dumating ang oras na nakita mo na ang problema ay hindi nakakatakot,yun ang oras na malalaman mong matapang ka na at matatag,walang prolemang makapagbubuwal sayo.

TUTULUNGAN KA NI LORD SA PROBLEMA

Related image

Hindi nangako si Lord na magiging madali ang buhay natin.May mga pagsubok at problema talagang darating.Pero ang pangako niya,hindi niya tayo iiwan at pababayaan kahit ano ang mangyari.Minsan kasi nahuhuli natin lapitan si LORD kapag may problema tayo.O kaya minsan naman dahil sa pagsubok,parang nagdududa at nagagalit pa tayo sa Diyos.Lagi nating isipin na si LORD pa rin ang Solution-Maker sa ating mga pinagdaraanan.Siya mismo ang solusyon.

Sa oras na parang mawawalan ka na ng pag-asa,itanong mo lang ito sa sarili mo: “Kailan ba ako pinabayaan ni LORD?”Umisip ka ng pagkakataon sa buhay mo na iniwan ka na ni Lord,wala kang maiisip dahil palagi nandiyan siya sa atin.Minsan akala lang natin pinabayaan niya tayo dahil sa mga bagay na tayo mismo ang gumagawa.Mali ang desisyon natin at hindi natin hiningi ang tulong niya,tapos nung pangit ang naging resulta,sinisisi natin siya.Hindi tama iyon.Nakakahiya kay Lord.Isinisisi natin sa kanya ang mga bagay na tayo ang may kasalanan.

Pero kahit ganoon,sapat pa rin ang grace ni Lord.Mapagmahal siya at mapagpatawad.Handa ka niyang tulungan basta tawagin mo siya at handa kang magpatulong.Magtiwala ka…sagot ka niya!Ilang taon ka na ba?Ilang problema na ang napagdaanan mo?Lahat yun hindi mo mapagtatagumpayan kung wala si Lord.Siya ang sumasama sayo at pumoprotekta sa bagyo ng buhay.

Ang taong walang problema,nasa sementeryo na.Huwag kang magreklamo dahil may problema,lahat ng taong nabubuhay mayroon niyan.Pero hindi ko sinabing “magpapakamatay” ang solusyon para matapos na ang problema.Nalulungkot ako kapag may nababalitaan akong nagbigti,tumalon sa mga building at nagpakalunod sa timba,dahil lang umiiwas sa problema.Kaduwagan ang ipinapakita nila.Ang problema ay para sa mga matatapang at gustong tumatag,lumago sa buhay.Iba-iba tayo ng dinadala.Pabayaan mong i-kwento ko sayo ang isa sa mga magagandang istoryang nabasa ko……..

May isang babae na lumaking mahirap kasama ang tatay niya.Wala na ang kanyang ina,namatay ito noong maliit pa siya.Wala halos silang makain.Walang pera.Walang maayos na damit at tirahan.Minsan sa sobrang hirap na nararanasan nila,nagtanong ang babae sa kanyang tatay.

“Tay,bakit ba mahirap tayo?Hindi ba pwedeng wala na lang problema?Hirap na hirap na ako at ayoko na.” Sa halip na sumagot ang tatay niya,kinuha nito ang kanilang hapunan at pumunta sa kalan para lutuin.Sinundan siya ng kanyang anak.Kumuha ang tatay niya ng kaldero at nilagyan ng tubig pagkatapos ay nilagay sa kalan.Nang kumulo na ang tubig,unang inilubog ng tatay ang carrot,sumunod ang itlog,sumunod ang coffee beans.

Nang maluto na itong lahat,inilagay sa mesa at umupo sila.Kinuha ng tatay ang carrot at ibinigay sa kanya upang ipatikim at kinuha naman ito ng babae at kinain.Sumunod ang itlog,at huli ang coffee beans na inilagay sa baso upang mainom ng babae.Pagkatapos nagsalita ang tatay niya,” Ano ang napansin mo sa tatlo?”Sumagot ang babae,luto po sila lahat at masarap.

Pero sumagot ang tatay niya, “Pare-parehas silang inilubog sa kumukulong tubig pero magkakaiba ang kinalabasan nila.Ang carrot sa una kay  tigas pero nang nasa tubig na ay biglang lumambot.Ang itlog naman lusaw at malambot nung una pero naging matigas matapos maluto.At ang coffee beans,walang pakinabang nung una pero nang maihalo sa tubig lumabas ang sarap niya at naging kape.Parang mga tao,pare-parehas may problema pero magkakaiba ng pagharap dito.”

Image result for CARROTS

Image result for ITLOG

Related image

Tama ang tatay niya.Magkakaiba tayo ng paraan sa pagharap sa problema.Ang tanong sino ka sa tatlo?Si carrot?Itlog? o coffee bean?Paano mo hinaharap ang problema?Ikaw lang ang makakasagot niyan.

” MOST OF THE TIME WE DON’T CHOOSE OUR ADVERSITY,BUT ALL THE TIME WE CAN CHOOSE OUR RESPONSE TO IT. ” – John C. Maxwell

Want to watch the Video? Watch it NOW Here:

https://inspiretv.co/when-you-are-about-to-give-up/?unid=1548172809

Take Note: Please Watch The  Video Trainings Before You Enroll: http://bit.ly/__FREEVideoTraining__

Add Me On Fb: https://www.facebook.com/roman.c.sindol

Like my Fb Fan Page: https://www.facebook.com/roman1377/

Follow Me On My WordPress.com: https://romansindol.wordpress.com/

Thanks for reading & watching,please like and share.

Published by Roman Sindol Jr. III

Hello, ako si Roman C. Sindol Jr. III. Isa sa mga goal ko ay maging MILLIONAIRE! February 2019 ng magsimula ako sa goal ko para maging millionaire and gusto ko din i-share sa inyo kung ano mga matututunan ko along the way and ang mga hows and why kung bakit ko ito gagawin. I literally started from 215 riyals (about 2k pesos) sa bank ko kase i invest almost all my money sa iba’t ibang investments pero from 215 riyals na un, I will create a large amount of money para maging millionaire gamit lamang ang laptop/smartphone at internet connection. Ayokong ako lang ang makakaexperience sa journey ko ng success, gusto ko din ung mga readers nitong blog ko ay mabless din at maging successful din ang buhay 🙂 – Roman C. Sindol Jr. III Online Affiliated Business Marketer

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: