“It is easier to believe that there was nothing before there was something than that there was something before there was nothing.” 

Want to watch the Video? Watch it NOW Here:

https://inspiretv.co/from-nothing-to-something-2/?unid=1548172809

Image result for From Nothing To Something

Ang Mahalagang Susi Sa Tagumpay

Paano mo ba masasabi na matagumpay ka sa iyong buhay? So umpisahan natin  kung ano ba ang ibig sabihin ng tagumpay?
Ang malinaw na kahulugan ng tagumpay ay ang unang hakbang upang makamit ang tagumpay. At ang pinakaimportante ay ang pagkumpleto sa anumang bagay na hinahangad. Sa ibang salita, ito ay ang pagkumpleto o pagtapos kung ano ang iyong  inumpisahan o binalak na gawin at paggawa nito sa paraang iyong ninanais, katulad kung bakit ka andito ngayon at binabasa itong blog na ito, kung gusto mo rin magtagumpay sa buhay ito ang payo ko sa’yo, inumpisahan mo na ito, andito ka na so kelangan mo na itong tapusin, dito mo malalaman sa sarili mo kung talagang gusto mo at desidido kang magtagumpay sa buhay, tapusin mong basahin at unawain ang blog na ito, importante na maunawaan mo kung ano yung idea na tinutukoy sa blog na ito, at pagkatapos i-apply mo agad sa buhay mo at siyempre huwag na huwag mong kakalimutan ang pinakamahalagang sandata, ang Panginoon, at sigurado ako na magtatagumpay ka. Isama mo Siya sa paglalakbay mo kasi Siya ang magtuturo ng tamang daan tungo sa iyong TAGUMPAY.
Ang tagumpay ay isang paglalakbay, at tulad ng lahat ng mga paglalakbay, ikaw ay maaaring maglalayag sa mahinahon tubig at mag-alma sa mga bagyo. Kung manatili ka sa iyong paglalayag maabot mo ang iyong daungan. Ang bawat tao ay may karanasan ng pagkawasak at pagkalunod. Ang kanilang pinaka-tanging pangarap ay nawasak sa kabila ng pinakamahusay na mga pagsusumikap. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong matagumpay sa buhay at sa mga taong hindi ay hindi sa bilang ng pagkalunod o kaya’y sa kalubhaan ng mga bagyong dinaranas. Ang kaibahan ay sa kanilang pagtitiyaga. Ang pagtitiyaga upang makumpleto ang paglalakbay. Para sa ilan, mas pinili ang pagtayo muli ng isa pang barko pagkatapos ng isa pang hanggang sa maabot nila ang kanilang daungan. Karamihan ay isinuko agad ang paglalakbay dahil lamang sa kapirasong bahura.
Ang tagumpay ay isang proseso. Ito ay isang walang humpay na pagpapadalisay sa diskarte hanggang ang isang bagay sa wakas ay gumagana. Nagsisimula ang tagumpay sa pagtatag ng layunin, at ito ay sinundan ng aksyon. Hindi na kailangan pang maging perpekto ang iyong mga layunin at mga aksyun. Ang susi sa tagumpay ay ang simulan agad ito, saan ka man naroroon at ano man ang iyong kinalalagyan; basta importante desidido kang gawin kung ano man ang dapat na gawin. Tanungin mo sarili mo para saan ba yung tagumpay na yan? Or para kanino? Ano ang pinaka dahilan kung bakit mo gusto magtagumpay? Yan ang magtutulak sayo para magtagumpay. (Tip lang… Wag mong gawing dahilan yung gusto mo lang malagpasan ang isang tao… Compete with yourself not with other people… “If you compete with others, you become BITTER, but if you compete with yourself, you become BETTER.”)
Ang tagumpay ay isang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga estratehiya. Ang pag-aaral na ito ay parehong teoretikal at praktikal. Sa kalaunan, kapag gumawa ka ng isang bagay at nakafocus ka dito, ikaw ay tunay na magiging dalubhasa dito. Kapag ikaw ay naging dalubhasa sa isang bagay, malalaman mo kung ano ang karapat-dapat gawin upang makuha ang gusto mong mga resulta. At maaari mong gawin ang pamamaraan na ito nang paulit-ulit ulit upang masiguro ang magkakasunod-sunod na mga gantimpala.
Ikaw ay nandito sa mundong ito upang ipahayag ang iyong mga potensyal. Ikaw ay nandito upang matuklasan ang isang buhay na may halaga at ang mga layunin na kanais-nais tuparin. Ang pinakamalaking sikreto sa buhay upang magtagumpay ay….hindi mo na kailangang gawin itong perpekto….sapat na ang masimulan mo ito at mapanatili hanggang marating ang dapat marating. Tayo ay hindi na umuusad dahil lagi nating hinihintay ang tamang panahon, ang tamang sitwasyon. Hangga’t maaari ay simulan mo na ang paglalakbay, at simulan mo na ngayon.
Walang bagay na mahirap gawin, basta umpisahan mo lang and there is no point starting a new kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi talagang desidido. Ano yun? Hindi kasi sapat na sabihin mo na desidido ka talaga. Hindi duon nagtatapos iyon. Hindi pagkatapos mong sabihing, “oo, desidido akong mabago ang buhay ko” ay gaganda na nga ang buhay mo. It’s not like that. It is a process…
Now my question is…how decided are you to change your life and how much efforts can you give? Kasi kahit Sabihin mong gusto mo kung hindi ka naman ganoon ka-desidido, ayaw ko ding maging mentor mo. Magsasayang lang ako ng oras sa iyo. Kasi para sa akin, isang napakalaking achievement na makita ko na ang tinuturuan ko ay ma-achieve nya fully ang pagbabago na nais nyang mangyari sa kanyang buhay. Adhikain ko na makatulong kahit na sa pinaka maliit na paraan upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao na talagang ibig mabuhay ng maayos at matiwasay.

PS – Kung pagod ka ng mapagod, kung hirap ka ng mahirapan, naghahanap ako ng mga taong willing makinig para matuto, at willing gawin yung mga kaylangang gawin para mabago ang buhay nila.

Kung wiling kang matuto at gawin yung kaylangang gawin, I’m willing to show you kung ano yung susunod na gagawin mo…

You Can Start Here:  http://bit.ly/__FREEVideoTraining__

Add Me On Fb:  https://www.facebook.com/roman.c.sindol

Like my Fb Fan Page: https://www.facebook.com/roman1377/

Follow Me On My WordPress.com: https://romansindol.wordpress.com/

Thanks for reading & watching,please like and share.

Published by Roman Sindol Jr. III

Hello, ako si Roman C. Sindol Jr. III. Isa sa mga goal ko ay maging MILLIONAIRE! February 2019 ng magsimula ako sa goal ko para maging millionaire and gusto ko din i-share sa inyo kung ano mga matututunan ko along the way and ang mga hows and why kung bakit ko ito gagawin. I literally started from 215 riyals (about 2k pesos) sa bank ko kase i invest almost all my money sa iba’t ibang investments pero from 215 riyals na un, I will create a large amount of money para maging millionaire gamit lamang ang laptop/smartphone at internet connection. Ayokong ako lang ang makakaexperience sa journey ko ng success, gusto ko din ung mga readers nitong blog ko ay mabless din at maging successful din ang buhay 🙂 – Roman C. Sindol Jr. III Online Affiliated Business Marketer

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: